CEBU CITY – Inilunsad na ang 100-days countdown sa Cebu sa pagdidiriwang sa 500 years of Christianity sa Pilipinas.
Dinaluhan ito ni Cebu Archbishop Jose Palma habang dumalo rin si Cebu City Vice Mayor Michael Rama at iba pang mga opisyal ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Cebu ang ceremonial unveiling sa electronic countdown board sa harap ng Magellan’s Cross.
Bago nito, iginiit ni Vice-Mayor Rama na siya’ng chairman ng Sinulog Foundation Inc. sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 magpapatuloy parin ang pagdiriwang sa kapistahan sa batang Señor Sto. Niño.
Kabilang na rito ang mga online activities sa Sinulog Festival 2021 kahit tinututolan ito ng Police Regional Office (PRO-7) at ng Regional Inter-Agency Task Force.
Iginiit ng bise-mayor na prayoridad ng mga organizers ang kaligtasan ng karamihan laban sa COVID-19 saan tanging mga lokal na contingents lang ang lalahok sa Dance Competition.
Idadaos rin ang competition sa South Road Properties, isang reclamation area na may malawak na lugar.
Habang ang mga outside-cebu at foreign contingents ay i-aalay nalang sa kapistahan kapistahan sa batang Señor Sto. Niño de Cebu ang pagsasayaw.
Iginiit ni Rama na ang pag-kakansela sa Sinulog ay parang pagkakasela rin sa kultura ng mga sugboanun.
Sa kasulukuyang, nagpalabas ang lungsod ng P20-Million na pondo para sa pagdidiriwang kung saan kalahati ito sa budget sa nakaraang taon.