Handa ang Party-list Coalition Federation Inc. (PCFI) na tanggapin ang sinumang ideklara ng Commission on Elections (COMELEC) bilang “valid” nominee ng Duterte Youth party-list.
Pahayag ito ni 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, presidente ng PCFI, matapos na kanselahin ng Comelec First Division ang nomination ni dating National Youth Commission chairperson Ronald Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth party-list dahil sa misrepresentation.
Sa isang statement, sinabi ni Romero na tinanggap ng ng PCFI ang Duterte Youth party-list bilang kanilang miyembro matapos na iproklama ito ng COMELEC bilang isa sa 51 nanalo sa party-list elections noong 2019 midterm elections.
“However, PCFI shall await for the Comelec’s decision on who to accept as Duterte Youth’s qualified and valid nominee for the 18th congress,” ani Romero.
“The PCFI will accept whoever Comelec approves as (Duterte Youth’s) valid nominee,” dagdag pa nito.