-- Advertisements --

Natapos na ng gobyerno ng France ang mga damyos matapos na sunugin ang ilang tren at riles.

Ayon sa national rail operator ng France na SNCF na halos lahat ng mga trains ay normal ng tumatakbo.

Maaring sa araw ng Lunes ay balik-normal na ang lahat sa nasabing train stations.

Magugunitang sinunog ng hindi pa kilalang mga suspek ang ilang train at riles ng high-speed TGV lines na biyaheng Paris.

Sinasabing ito ay isang uri ng pananabotahe sa Paris Olympics.