-- Advertisements --

Tuluyan nang pinatalsik ng Nationalist People’s Coalition sa kanilang partido si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay batay na rin sa kumpirmasyon ni NPC Chairman Vicente Sotto III sa pamamagitan ng isang liham.

Ayon kay Sotto ,ito ang kanilang tugon sa naging petisyon ni Tarlac Governor Susan Yap na tanggalin na sa partido si Guo.

Sa liham ni Sotto, binigyang diin ng opisyal na hindi nila kukunsintihin ang sinumang opisyal na lumalabag sa batas ng bansa.

Posible kasi aniyang malagay sa alanganin ang kanilang partido sa oras na may mga gawaing hindi naaayon sa kanilang vision.

Ang desisyon ng NPC na alisin si Guo sa partido ay batay na rin sa naging konsultasyon sa mga lider at miyembro ng NPC.

Mabigat rin aniya ang mga kasong kinakaharap ng Mayora na makikita na rin sa mga isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Kung maaalala, naghain ang DILG ng graft complaints laban kay Guo sa office of the ombudsman na naging dahilan ng pagkakasuspinde nito.