-- Advertisements --

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na dahil sa sipag,pagsusumikap at dedikasyon sa trabaho dahilan na nakamit ng House of Representatives ang “very good” net satisfaction rating batay sa isinagawang December 10-14 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Dahil dito, pinuri ni Speaker ang mga kasamahan sa kanilang dedikasyon sa trabaho lalo na panahon ng krisis.

“This is a testament to the hard work and dedication of our legislators in serving the Filipino people during these challenging times. As the leader of the House of Representatives, I am proud of our members and their commitment to advancing pro-people legislative measures,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Dagdag pa ni Speaker, “As House leader, I am deeply honored, humbled, and grateful to Filipino people for their trust and confidence in the House of Representatives.”

Pinasalamatan din ni Romualdez ang mga miyembro ng Kamara sa kanilang solidong suporta at kooperasyon na siyang naging daan para magpasa ng mga panukala na tutugon sa pangangailangan publiko.

“With all humility, thank you for the continued trust and confidence in me,” wika ni Speaker Romualdez.

Bukod sa House of Representatives, ang Senado, Supreme Court, at ang Cabinet ni President Ferdinand Marcos, Jr. ay nakakuha din ng “very good” net satisfaction rating sa survey.

Ang Kamara ay nakajuha ng iskor na +56 rating, sunod ang Senado na may +68, habang ang Supreme Court nakakuha ng +53 at ang Cabinet ay nasa +50.

Inihayag ni Speaker Romualdez ang resulta ng SWS survey ay napaka “encouraging” at magsisilbi din itong inspirasyon sa bawat miyembro ng Kamara na pag-ibayuhin pa ang kanilang trabaho.

“We will continue to work tirelessly to help realize the 8-point socioeconomic agenda of President Marcos and deliver on our mandate to provide meaningful and responsive solutions meant to uplift the lives of the Filipino people,” ayon kay Speaker Romualdez.

Bago pa mag lenten break ang Kamara, iniulat ni Speaker ang ilang mahahalagang panukala na kanilang naaprubahan sa third and final reading.

Ang mga ito ay kabilang sa priority measures ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.