BUTUAN CITY – Pinangungunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) Marine Environmental Protection Force – North Eastern Mindanao ang pagsuperbisa sa siphoning operations na inilunsad sa LCT Cebu Great Ocean.
Habang ang PCG Station Surigao del Norte namay ay nagpalabas ng Certificate of Salvage Inspection Number 1 kay Raul Basmayor, PCG-accredited salvor, bilang supporting document sa kanilang salvage operations sa nasabing barge.
Ipagpatuloy din ng mga rescuers ang kanilang operasyon sa karagatan ng Agusan at Surigao del Norte upang mahanap; na ang pitong iba pang mga crews nito na kinabibilangan nina ship Capt. Mario Palacio, Marvin Lusica, Oiler Mark Louie Masibag, Vincent dela Peña, Jaydee Juntilla, Mark Suarez at Raneso Macapaz.
Matatandaang huling nakita sina Clint Auxtero sa karagatan sa Barangay Oslao at Limuel Dadivas sa Barangay Balite, parehong sakop sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte.