Plano ng Philippine Coast Guard na tapusin na ang siphoning operations sa lumubog na MT Terra Nova sa araw na Biyernes.
Maalalang sinimulan ng salvor team ang pagsipsip sa langis na laman ng lumubog na tanker noong Agusto 19, 2024 kung saan umabot lamang sa 2,350 liter ang nasipsip sa unang araw.
Kahapon, September 10, umabot na sa kabuuang 1,384,211 liter ng oily waste ang nasipsip ng salvor team, batay na rin sa official record ng Philippine Coast Guard.
Nangangahulugan ito na ilang litro na lamang ang natitira sa loob ng tanker mula sa mahigit 1.4 million liter na laman nito bago ang tuluyang paglubog.
Maalala ring pansamantalang itinigil ng salvor team ang siphoning operations mula noong Setyember 2 hanggang Set. 6 dahil sa panganib na dulot ng pananalasa ng bagyong Enteng.
Ayon sa PCG, maliban sa pagtiyak na maayos ang pagsipsip sa mga langis na laman ng tanker ay pinapabantayan din nitong maayos ang pagbibiyahe sa mga nasipsip na oily waste mula sa salvor ship patungo sa mga mga disposal facilities sa Marilao, Bulacan.