BOMBO DAGUPAN – Problema sa kalsada.
Ito umano ang pangunahing problema tinuran ng Punong Barangay ng Bonuan Boquig na si Joseph O. Maramba sa Bonuan Boquig sa lungsod ng Dagupan.
Sa panayam kay Maramba, sa patuloy na pag-usbong ng modernong jeeps sa kanilang Barangay, hindi aniya handa ang kanilang kakalsadahan sa pagdating ng mga bagong buses.
Kaya naman sa taong kasalukuyan ay plano ng kanilang Barangay na pagtuunan ng pansin ang proyektong pagsasaayos ng tila lubak lubak na kalsada upang patag at maayos ang madaraanan di lamang ng mga modernong pampasaherong jeep, ngunit pati na rin sa lahat ng motorista sa naturang Barangay.
Kahilingan naman ng Punong Barangay, ang pagkakaroon ng satellite Healthcare center sa kanilang nasasakupan upang sa gayon ay mapadali ang access ng mga residente ng Bonuan Boquig sa pangangailangang pangkalusugan.
Sa ngayon ay nakatuon sila sa kalsada dahil kung titignan aniya bago na ang kanilang pampublikong sasakyan hindi umano nila napaghandaan ito dahil maliit lamang ang kanilang kalsada.
Aniya plano nilang maglagay ng pathway sa kanilang Sitio bilang solusyon sa problemang ito upang kahit papaano ay magkasya ang mga bagong sasakyan.
Panawagan naman nito sa mga residenteng kaniyang nasasakupan na magkaroon lamang ang mga ito ng pang-unawa dahil ginagawa naman nila ang kanilang makakaya kaugnay sa naturang problema.