-- Advertisements --
Patuloy na lumalawak ang sirkulasyon ng dalawang low pressure area (LPA) na malapit sa ating bansa.
Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, huling namataan ang unang LPA sa layong 115 km sa hilagang bahagi ng Aparri, Cagayan.
Habang ang isa pang namumuong sama ng panahon ay nasa 765 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Inaasahang magiging ganap na bagyo ang dalawang ito sa pagpasok ng susunod na linggo.