-- Advertisements --

Magsisimula na sa Abril 18 ang sirkulasyon ng bagong P1,000 polymer banknote ngunit sa mga over-the-counter transactions mula sa mga bangko ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno.

Ang mas “durable” na plastic bill ay ipinakita kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa inspeksyon noong huling bahagi ng Martes bago ang sirkulasyon nito.

Sinabi ni Diokno na magagamit muna ito sa over-the-counter dahil kailangan pang i-reconfigure ng mga bangko ang kanilang mga automated teller machines (ATMs) para maibigay ang plastic money.

Ang bagong bill ay ipapakalat kasama ng mga abaca banknotes.

Dagdag pa ni Diokno na maaaring umabot sa isang taon ang reconfiguration ng ATM.

Nauna nang sinabi ng BSP na ang paggamit ng plastic o polymer ay mas hygienic at cost-effective dahil mas matagal pa ito kaysa sa mga paper bills.

Magugunitang tampok sa bagong P1,000 ang Philippine National Eagle, na pumalit sa tatlong kilalang bayani ng World War 2, sa kabila ng oposisyon ng mga historian.