-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Idineklara ng insurgency-free ang bayan ng Sison, Surigao del Norte matapos sumuko ang dating kumander sa operasyon ng New People’s Army o NPA kasama ang apat nitong mga miyembro.

Ayon sa 901st Infantry Brigade at 30th Infantry Battalion, Philippine Army, nai-turn over na nila sa isinagawang 3rd Quarter Municipal Peace and Order Council Meeting sa lokal na pamahalaan ng Sison ang mga sumuko sa pangunguna ni dating kumander alyas Ka Lucas na dinaluhan naman ni Surigao del Norte Governor Robert Lyndon Barbers.

Aminado si Ka Lucas na sila ang pinakahulling bumaba mula sa bundok sabay amin na sila rin ang nasa likod ng kaguluhan sa nasabing bayan nitong nakalpas na eleksyon.

Nakatanggap ang bawt isa sa kanila ng titig-₱30,000 na ayuda bilang livelihood program mula sa lokal na pamahalaan at nangako naman ang Provincial Government na pag-aaralin ang dalawa sa kanila.