-- Advertisements --
noel clement
Lt. Gen. Noel Clement (photo from Central Command, AFP)

Hawak na ni AFP chief of staff Lt. Gen. Noel Clement ang resulta ng imbestigasyon na pinangunahan ng AFP Inspector General kaugnay sa nangyaring hazing sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) na ikinasawi ni Cadet 4CL Darwin Dormitorio.

Sa panayam kay Clement, kaniyang sinabi na ang naging rekomendasyon ni AFP Inspector General, Lt. Gen. Antonio Ramon Lim na panahon na para bigyang-pansin o baguhin na ng PMA ang ilang proseso at sistema at baguhin na ang dapat baguhin.

Hindi naman idinitalye ni Clement kung anong sistema ito na tinutukoy ng IG report.

Aniya, may direktiba na rin siya sa bagong talagang PMA superintendent na si Rear Admiral Allan Ferdinand Cusi ukol dito nang sa gayon ay hindi na maulit pa ang kaso ni Dormitorio.

Giit ni Clement, sa sandaling ma-address na ang mga pagkukulang maaari na ring mag-move on sa isyu.

“The Inspector General did not devolve on the specifics of the, kumbaga culpability itself but more on the systems that have to be corrected and that is what will be result of my directive that I wil be giving to the new superintendent for him to look into so that we will be able to move on from this into this case and look forward to how we can effect the changes in the academy,” ani Clement.