-- Advertisements --

Nagpulong na ang binuong PNP special Investigation Task Group (SITG) para imbestigahan ang pagbasak ng kanilang helicopter sa San Pedro Laguna.

Sakay sa bumagsak na Bell 429 twin engine helicopter si PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa at pitong iba pang opisyal matapos na sumabit umano sa kawad ng kuryente habang pa-take off.

Ayon kay Acting PNP Spokesperson at Director for Police Community Relations Director MGelen Benigno Durana na ang pagbuo ng “SITG Bell 429” ay alinsunod sa verbal instruction ng The Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP.

Si Lt Gen. Guillermo Eleazar ang The Deputy Chief for Operations ang inatasan na mamuno sa SITG.

Habang ang assistant SITG commander naman ay ang Hepe ng Directorate for Investigation and Detection management.

Una ng sinabi ni Durana na aalamin ng probe team kung ano ang dahilan o sanhi ng pagbagsak ng Bell 429 Global Ranger helicopter na nagkakahalaga ng P435- million na naideliver sa PNP nuong March 2018.

Giit ni Durana napakaganda at matibay ang nasabing helicopter kaya hindi sila maaaring mag speculate hanggang hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Samantala, grounded ang lahat ng choppers ng PNP bilang standard operating procedure habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sinabi ni Durana na ang kautusan para I-ground ang lahat ng choppers ng PNP ay ginawa ng PNP Command Group at Quad Staff matapos na magpulong kaninang umaga kasunod ng insidente.

Brandnew ang lahat ng choppers ng PNP na kinabibilangan ng mga Airbus H-125 gaya nang iprinisinta Lang noong nakaraang linggo, at mga Bell-429, at Robinson R-44 multi-role police helicopters na nabili sa panahon ng Pangulong Duterte.

Dahil sa nasa hospital ngayon si Chief PNP, ang number 2 man ng Pambansang Pulisya ang nagtitimon ngayon sa PNP.