-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tutulong na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa pamamaslang sa magkapatid sa Purok San Isidro Barangay Bagontapay Mlang Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Defuty Director at Special Investigation Task Group Maguad Spokesman Lieutenant Colonel Bernard Tayong na 90% na nilang tukoy ang mga suspek at person of interest.

Una nang tinukoy ni Cruz Maguad Jr ama nina Gywnn at Crisville ang kanilang helper o kasambahay na sangkot o person of interest sa brutal na pagpatay sa kanyang mga anak.

Welcome sa pamilya at malaking tulong ang pagpasok ng NBI sa imbestigasyon sa pagpatay sa mga biktima.

Ayaw munang isapubliko ng SITG Maguad ang pagkakilanlan ng mga suspek dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon at pagtugis.

Una ng hiniling ng pamilya Maguad kay Pangulong Rodrigo Duterte na silay matulungan sa agarang hustisya sa sinapit ng mga biktima.