-- Advertisements --

Bumuo na ng task force ang Philippine National Police na tutuok sa kaso sa pagpatay kay Mayor Cesar Perez ng Los Banos, Laguna na binaril sa loob ng municipal hall kagabi.

Ayon kay Col. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng Laguna Police Provincial Police, pangungunahan ni Lt. Col. Jesson Bombasi, deputy provincial director for Operations ng Laguna police ang Special Investigation Task Group.

Mayor Perez

Sinabi ni Gaoiran, lahat ng posibleng anggulo sa pagpatay kay Perez ay kanilang tinitingnan.

Samantala, sinabi naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Brandi Usana, wala pa silang nakukuhang impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek na pumatay kay Perez.

Wala pa rin umano silang hawak na persons of interest.

Pagtitiyak ni Usana, nangangalap na sila ng ebidensya at tinutukoy na ang mastermind at mga nasa likod ng krimen.