(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutukang anggulo ng pulisya ang personal grudge kung bakit sabay na pinaslang ng hindi bababa ng 10 armadong personalidad ang pitong miyembro ng pamilya na pawang taga-Zamboanga Peninsula sa liblib na bahagi ng Sapad,Lanao del Norte.
Pinakahuli ito na lumalabas sa ginawa na imbestigigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) patungkol sa malagim na sinapit ng mga biktima na nagtamo ng mga tama ng mga bala sa kalibre 45 na baril at sabay inilagay sa malaking hukay.
Sinabi ni Police Regional Office 10 spokpesperson Police Major Joann Navarro na bago pa man makatawid papuntang Lanao del Norte ang mga biktima ay nabitbit na sila ng mga salarin batay sa hawak na CCTV footages mula sa ilang establesyemento ng Zamboanga del Sur.
Pag-amin ni Navarro na mayroon na silang hawak na ilang larawan at mga pangalan sa mga taong sangkot sa kremin subalit maingat muna upang hindi maapektuhan ang operasyon.
Magugunitang kabilang sa mga nasawi ay ang mag-asawa na sina Joselito at Marlyn Gaviola,na pawang Zamboanga City maging sina Elvi at Epifanio Legara,Sr kasama ang kanilang mga anak na kinabilangan ni Jomar,Jopay at Epifanio Legara Jr na lahat galing sa Zamboanga del Sur.