-- Advertisements --

KORONADAL CITY – May person’s of interest nang tinitingnan sa ngayon ang pulisya sa pananambang patay sa isang Sitio leader sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Ito ang inihayag ni PLTCOL Conrado Jovero sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ni PLtcol Jovero ang biktima na si Rigor Legada Capillo, nasa legal na edad at Sitio Leader ng Matlong, Barangay Lamba, Banga, South Cotabato.

Ayon sa opisyal, papunta sana si Capillo sa lamay ng kamag-anak nito sa Sitio San Isidro, Brgy. Lamian, Surallah, South Cotabato sakay ng motorsiklo nang tinambangan at pinagbabaril ng mga suspek.

Agad din na tumakas ang mga suspek tangay ang motorsiklo ng biktima na bagong bili at for registration pa sana.

Sa ngayon, tinitingnang motibo sa krimen ang motornapping o sa trabaho nito bilang isang Sitio Leader.

Napag-alaman na noong Hunyo 2016 ay pinagbabaril din ang biktima ngunit nakasurvive ito.

Sa nangyaring pananambang nagng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Kasabay nito nanawagan naman ang pulisya sa sinumang nakakita sa insidente na makipagtulungan sa kanila upang mahuli agad ang mga responsable sa pagpatay sa biktima.