-- Advertisements --

Itinuturing na himala ng singer na si Sitti ang pagbubuntis sa pangalawang baby nila ng mister.

Ayon sa tinaguriang Bossa Nova Queen, sorpresa ito ng Diyos sa kanila lalo’t mayroon siyang polycystic ovary syndrome (PCOS) at antibody syndrome (APAS) na siyang nagpapahirap sa mga kababaihan na magdalang-tao.

Dahil dito kung kaya labis ang pasasalamat ng 36-year-old singer para sa second baby na nakatakdang isilang sa darating na Oktubre ngayong taon.

Sitti baby No 2

Taong 2015 nang ikasal si Sitti sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Nabatid na Oktubre noong nakaraang taon nang maaksidente si Sitti habang nagbibisikleta kasama ang circle of friends nilang mag-asawa.

Masaya ang unang bahagi ng bicycle ride ng kanilang grupo mula Makati at tumbok sana ang Bonifacio Global City sa Taguig, nangbiglang nawalan ng kontrol si Sitti sa magaspang na pababang bahagi ng flyover malapit sa Buendia.

Tatlong metro aniya siyang nakaladkad habang sumisigaw, hanggang sa mauntog sa concrete barrier at mabuti na lamang ay nakasuot siya ng helmet.