-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Hindi pa rin tuluyang bumabalik so normal ang situwasyon sa ilang bahagi Duba dahil may mga lugar pa rin na binaha.

Ayon kay Rieszel Jailani Gabion, Bombo International News Correspondent Dubai, hindi pa madaanan ng sasakyan ang mga binahang kalsada.

Sa anim na taon niya sa Dubai ay unang beses niyang naranasan ang mataas na tubig baha.

Saad nito na mula ng manalasa ang pagbaha ay hindi pa siya nakakauwi sa kanyang tinitirahan dahil hindi operational ang ilang metro station.

Kuwento niya na inabot daw ng halos 2 oras siyang naglakad patungo sa kanyang trabaho

Dahil sa kagustuhan umano niyang makapasok kahapon ay naglakas loob siyang pumasok at lumusong sa baha. Mabuti umano at may tumulong sa kanya na ihatid sa lugar kung saan puwede siyang makakuha ng sasakyan patungo sa kanyang trabaho.

Dagdag pa rito na ang nakikita niyang dahilan kaya medyo matagal ang paghupa ng tubig baha doon ay dahil disierto sa Dubai at walang drainage system, kaya kahit kaunti ang ulan ay walang labasan ng tubig.

Si Gabion ay nagtratrabaho bilang Healthcare Assistant sa isang Hospital sa Dubai.