BUTUAN CITY – Ang pagkuha ng first-hand information mula sa kanilang mga personahe sa Commission on Elections o COMELEC-Caraga ang dahilan na personal na nagpunta dito sa lungsod ng Butuan si Commission on Elections chairman Atty. George Erwin Garcia.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni COMELEC-Caraga Regional Director Francisco Pobe na nais ni chairman Garcia na may maibibigay siyang tamang impormasyon sakaling ipapatawag ng Senado may kaugnay sa kontrobersyal na kultong Socorro Bayanihan Services Incorporated.
Ito’y lalo na’t kailangan nilang matiyak na ma-exercise ng mga miyembro ng naturang kulto ang kanilang karapatang makaboto sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Matatandaang mismong si chairman Garcia, ang nangunguna sa isinagawang 2nd Regional Joint Security Control Center Command Conference dito sa lungsod ng Butuan kahapon.