-- Advertisements --
Tiniyak ng embahada ng Pilipinas sa China na nananatiling normal ang sitwasyon ng ating mga kababayang overseas Filipino workers (OFWs) sa naturang bansa.
Ito ay sa kabila ng banta ng bagong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa naturang bansa.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz, nasa maayos na kalagayan ang mga kababayan natin sa China at wala pang napapabalitang tinamaan ng naturang bagong variant ng COVID-19.
Matatandaang tumaas ang bilang ng kaso sa naturang bansa sa pagkakaroon ng bagong variant ng COVID-19.