-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Damang-dama na ang simoy ng Pasko at animo’y busines as usual na sa City of Pines.

Nabuksan na kahapon ang Christmas in Baguio at kasabay nito ay napailawan na ang Giant Christmas Tree sa Upper Session Road at iba pang dekorasyon, gayundin na pormal nang binuksan ang tanyag na Baguio City Night Market.

baguio night market

Sa pagbubukas ng programa, sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na kahit nararanasan ang pandemya ay tuloy na tuloy pa rin ang Pasko sa Baguio City dahil sa pag-ibig sa loob ng pamilya, magkakaibigan at sa komunidad.

Inako ng alkalde ang responsibilidad sa umano’y naging problema sa pagbubukas ng Christmas in Baguio dahil sa pagdagsa ng maraming tao, bagay na labag sa health protocols.

Iginiit ng alkalde na walang dapat sisihin sa nangyari at ito ang magiging responsable sa insidente.