-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN — May ilang mga lugar pa rin na nananatiling nakalubog sa baha.

Ito ang naging kasagutan ni Bombo International News Correspondent Ronnel Canaria Coral sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa sitwasyon ngayon sa Dubai, UAE.

Aniya na sa loob ng maraming taon nitong paninirahan sa Dubai ay ngayon lamang siya nakaranas ng ganito kalala na pagbaha sa bansa, at bagamat kalakhan sa mga lugar ay balik normal na, may mga lugar pa rin na hindi pa muling nagbubukas at nago-operate dahil sa nararanasan pa ring pagbaha.

Saad pa nito na sa mga ganitong pangyayari ay mabilis na kumikilos ang gobyerno ng Dubai kaya naman ay kaagad ding natanggal ang mga tubig sa ilang mga kakalsadahan. Wala rin aniyang mga pinalikas na residente sa gitna ng pagbaha dahil walang nangyayaring evacuation sa Dubai.