Ngayong araw ay inaasahang magsisibalikan sa Metro Manila ang mga nagsiuwian ng probinsya para sa Holy Week.
Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority o (MMDA) nasa ayos pa naman ngayon ang mga public bus terminals at EDSA dahil paonti onti pa umano ang nagsisidatinga.
Ang mga terminal ay na aaccommodate pa naman umano ang mga pasahero dahil ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit, Head Bong Nebrija hindi pa ito ang inaasahang dami ng pasahero.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority inaasahan umano ng ahensya na hindi gaanong dadagsa ang mga pasahero dahil ang ilan umano ay nagsipagbalikan na noong mga nakaraang araw.
Hindi na halos aabot sa kalahati ng inaasahang pasahero ang magsisiuwian.
Bilang hakbang naman umano sa pagpapanatili ng kaayosan sa kalsada, full force naman ang ahensya sa pagdedeploy ng mga tao.
Sinisiguro ng ahensya na susunod ang mga driver maging ang mga pasahero sa batas trapiko na umiiral.
Patuloy naman ang kanilang ginagawang clearing para sa mga bus at iba pang mga sasakyan na pabalik ng Metro Manila.