Maraming pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nagmamadaling umuwi sa kanilang mga probinsya nitong Linggo para ipagdiwang ang Undas kasama ang kanilang mga pamilya.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) , maayos naman umano ang paggalaw ng mga pasahero sa lahat ng terminal ng NAIA.
Napansin ng MIAA ang isang malaking pagtaas sa mga papaalis na pasahero ngayong araw, Linggo, pero ayon sa ahensya, ang sitwasyon ay nananatiling manageable.
Noong Sabado, nakapagtala ang NAIA ng kabuuang 128,472 na pasahero, bahagyang mas mababa sa 129,370 na pasahero noong Biyernes.
Wala namang natanggap na anumang ulat ng untoward incidents ang Airport Police Department
Ayon kay Connie Bungag, ang Officer-in-Charge ng Public Affairs Department sa MIAA, inaasahan nilang babalik sa normal ang sitwasyon sa Lunes, Nobyembre 6.