BUTUAN CITY – Kaagad na nagdagdag ng pwersa ng pulisya sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte si Police Provincial Director PCol. Laudemer Laude matapos itong i-utos ni Senador Ronald ‘Bato’ de la Rosa sa kasagsagan ng imbestigasyon ukol sa kultong Socorro Bayanihan Services Inc o BSBI.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayaga ng opisyal na walang dapat na ikababahala ang taong bayan sa Socorro sa mainit na usapin hinggil sa naturang kulto dahil manageable pa rin ang sitwasyun sa lugar dahil ang mga miyembro nito ay nagra-rally sa loob lamang ng kanilang compound.
Sa ngayon ay patuloy ang kanilang ginawang malalimang imbestigasyon kungsaan patuloy rin silang nangangalap ng mga indibidwal na may kaalaman sa SBSI upang makapagbigay ng imbestigasyon.
Ito ay habang may naka-file na kaso na sa korte na tiyak namang madagdagan depende pagkatapos sa paguusap nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang nag-aalaga sa mga batang biktima na witness sa pagdingig sa senado.