BAGUIO CITY – Unti-unti nang bumabalik sa normal ang kalagayan sa Spain kahit hindi pa tuluyang nasusugpo ang COVID 19.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ana Liza Dapidap, isang OFW sa Madrid, Spain, noong Lunes ay nag-umpisa nang bumalik sa trabaho ang ilan sa mga residente doon.
Aniya, pinapahintulutan na rin ang pamamasyal ng mga bata ngunit kailangang isa lamang ang kanilang kasama at tatagal lamang sa isang oras ang kanilang pananatili sa labas.
Inihayag niyang nagbukas na rin ang ilang restaurants doon ngunit “take out” lang ang ipinapahintulot.
Sinabi niyang nararanasan ngayon ang mahahabang pila sa mga bangko dahil sa dami ng mga kliyente.
Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy ang mahigpit na pagtupad ng mga OFWs sa mga protocols sa Spain.
Idinagdag ni Dapidap na posibleng aalisin ang lockdown sa Spain sa Mayo 11.