Tumigil na umano ang sagupaan sa pagitan ng dalawang magkalabang politiko sa Talitay, Maguindanao.
Ito’y matapos binalaan ni 6th Infantry Division commander M/Gen. Cirilito Sobejana ang dalawang magkalabang grupo na kapag hindi sila tumigil sa labanan ay makikialam na ang militar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Sobejana kaniyang sinabi na balik na sa normal ang sitwasyon sa lugar.
Una rito sa isinagawang clearing operations ng militar, mahigit 20 mga high-powered firearms ang nasabat ng militar gaya ng limang-M-16 rifles; apat na M-653 caliber carbines; tatlong-Garand rifles; apat na M-203 grenade launchers; isang shotgun; isang carbine; isang KG-9 automatic rifle; dalawang-Thompson units; dalawang- RPG launcher; isang 60mm mortar, at caliber 50 sniper rifle.
Kabilang naman sa mga narekober na mga improvised explosive device ay 85 4mm, 16 RPG, eleven 81mm mortar, fourteen 60mm mortars, apat hand grenades, at nasa 3,256 rounds ammunition ng iba’t ibang mga armas.
Bagamat tapos na ang canvassing sa area ng 6th ID, mahigpit pa rin tinututukan ng militar ang mga posibleng post election incidents.
Sinabi ni Sobejana nakaalerto pa rin ang mga tropa sa Central Mindanao.
Binigyang-diin naman ng heneral na kapag sa tingin nila na maganda na ang sitwasyon, balik na sila sa combat mode.