-- Advertisements --
Thais
Thailand shooting victims

BAGUIO CITY–Iniiwasan ngayon ng mga Overseas Filipino Workers sa Thailand ang pumunta sa mga matataong lugar dulot ng malaking pangamba na maulit ang nangyaring insidente sa isang mall sa Korat, Thailand kahit patay na ang gunman na isang Thai soldier.

Sa report ni Bombo Intenational Correspondent Nellie Kindom sa Bombo Radyo, isang professor sa Bangkok, Thailand; sinabi niya na sa mahigit limang taong pagtuturo niya sa bansa ay ngayon lamang niya naranasan ang ganoong insidente.

Aniya, tuwing weekends ay nagtututor siya sa mga mall at kabilang na dito ang Terminal 21 Mall sa Korat, Thailand na pinangyarihan ng insidente.

Kinuwento niya na anim sa mga kaibigan at kapwa guro ang natrap sa mall nga halos 16 na oras at lahat sila ay natrauma bagama’t nagiging stable na ang kanilang kondisyon.

Dagdag niyan na hindi pa lubos makapaniwala ang ilan sa mga OFW sa Thailand matapos ang nangyaring pag-amok ng isang sundalo sa mall kung saan 26 ang namatay at 57 naman ang nasugatan.

Sinabi pa ng professor na tubong Baguio City na nagdulot ang insidnete ng hindi maipaliwanag na takot at pangamba lalo na sa mga katulad niyang guro na nagtututor sa mga mall.