-- Advertisements --
Sinuspendi ng tatlong laro ng NBA si Philadelphia 76ers center Joel Embiid.
Ito ay dahil sa ginawa niyang panunulak sa journalist.
Nagalit kasi si Embiid sa isinulat na balita ng Philadelphia Inquirer columnist tungkol sa pagbatikos sa anak at namayapang kapatid nito.
Sinabi ni league executive vice president and head of basketball operations Joe Dumars na dapat ay magkaroon ng mutual respect para sa magandang samahan ng mga manlalaro at mga media.
Kahit na naiintindihan nilang nasaktan si Embiid sa balita ay hindi niya ito itinulak ang journalist.
Ang 2023 Most Valuable Player ay hindi pa nakakapaglaro ng anim na laro ng Sixers dahil sa pagpapagaling ng kaniyang bagong opera na kaliwang tuhod.