Maraming ginulat ang Philadelphia Sixers center na si Joel Embiid matapos na kumamada ng 50 points sa loob lamang ng 27 minutos sa panalo laban sa Orlando Magic sa iskor na 123-110.
Liban sa napantayan ni Embiid ang carrier high na 50 puntos, nakagawa rin siya ng 12 rebounds kaya naman dumagundong sigawan ang mga fans sa pagsasabing “MVP, MVP! “
Batay sa kasaysayan ng NBA, si Embiid ang pangalawa lamang sa player na nagpakita ng maraming puntos sa maiksing minuto na paglalaro kung saan ang nangunguna ay si Klay Thompson ng Warriors na naitala noon pang taong 2018.
Kung maalala si Embiid ay dating MVP candidate noong nakaraang taon at dati ring 4-time All-Star.
Sa ngayon hawak na ng Sixers ang 26 wins, habang nalubog lalo sa pangungulelat ang Orlando Magic na meron ng 38 talo.