-- Advertisements --

NEW YORK — Naipasok ni Mike Scott ang 3-pointer sa huling 18.6 seconds ng laro para makamit ng Philadelphia 76ers ang 112-108 win kontra Brooklyn Nets.

Dahil sa panalong ito, may 3-1 lead na ang 76ers sa Eastern Conference opening-round playoff series.

Pagkatapos ng defensive stop kontra Jarrett Allen, nakagawa si Tobias Harris ng dalawang free throws sa huling 4.8 seconds ng laro at nanalo ang Sixers.

Nanguna para sa naturang koponan si Joel Embiid na may 31 points, 16 rebounds, pitong assists at anim na blocked shots.

Ito ang unang laro ni Embiid makaraang magpahinga sa Game 3 dahil sa namamagang tuhod.

Nagdagag ng 24 points si Harris habang si Ben Simmons ay may 15 points, walong rebounds at walo ring assists.

Nanguna naman si Caris LaVert para sa Nets na may 25 points habang si Allen at D’Angelo Russell ay kapwa may 21 points bawat isa.