-- Advertisements --

Hindi pa rin matibag sa pamamayagpag ang Philadelphia Sixers matapos na talunin ang Cleveland Cavaliers sa score na 125-119.

Ito na ang ika-apat magkakasunod na panalo ng Sixers, mula ng makuha nila sa blockbuster trade ang NBA superstar at dating MVP na si James Harden.

Sa ngayon umabot na sa 39 ang panalo ng Philadelphia upang umangat sa ikalawang puwesto sa Eastern Conference.

Nagtala si Harden ng 25 points at assists, pero ang nanguna sa opensa ay si Tyrese Maxey na may kabuuang 33 points at kasama na ang limang three pointers.

Ang MVP candidate at big man na si Joel Embiid ay kumamada naman ng 22 points.

Sa panig ng Cavs nalasap ang ika-27 talo para sa ika-anim na pwesto.