-- Advertisements --

Nagawang maitabla ngayon ng Philadelphia Sixers ang Game 2 ng kanilang serye sa Toronto Raptors, 94-89, sa NBA Eastern Conference semifinal.

Nanguna sa panalo ng Sixers si Jimmy Buttler na may kabuuang 30 points at 11 rebounds upang makaisa na rin sila ng panalo.

Bumawi si Butler sa kanyang naging laro sa Game 1 kung saan meron lamang 4 out of 12 pero sa pagkakataong ito sa final quarter ay 12 tira ang kanyang naipasok.

Si Joel Embiid ay nagpakita ng 12 puntos lamang sa loob ng 32 minuto ito ay sa kabila ng kanyang karamdaman.

Bago pa man ang laro ay nilagyan pa si Embiid ng IV fluid bunsod nang flu-like symptoms.

Ang Game 3 ay gagawin sa Biyernes sa teritoryo ng Philadelphia.

Sinasabing ito ang unang panalo ng 76ers laban sa Toronto mula pa noong November 10, 2012 para tuldukan na rin ang 14 game losing streak ng koponan.

Ilang beses na pilit na hinabol ng Raptors ang karibal lalo na sa first half kung saan umabanse ng 19 points ang Sixers.

Nasayang pa ang 35 points na ginawa ni Kawhi Leonard, habang sina Paskal Siakam ay may 21 at si Kyle Lowry ay meron namang 20.

Aminado si Lowry na hindi naging maganda ang kanilang diskarte na sinamantala naman ng Sixers na mistulang desperado raw ang inilaro para ipantay ang serye sa 1-1.