Nasilat ang Los Angeles Clippers ng Philadelphia Sixers, 110-103.
Kahit naka-30 points si Kawhi Leonard hindi naman ito umubra sa grupo ni Ben Simmons, Joel Embiid at Josh Richardson.
Umiskor si Richardson ng 17 points sa fourth quarter pa lamang mula sa kanyang kabuuang 21 points.
Si Simmons naman ay nagpakita ng triple-double performance kung saan kumamada ito ng 26 points, 12 rebounds at 10 assists habang si Embiid ay tumipa ng 26 points para dalhin ang koponan sa NBA best home record na 25-2.
Sa panig ni Leonard aminado siya sa kanilang sablay na mga tira sa fourth quarter.
Ito naman ang unang pagkakataon na hinarap ni Kawhi ang Sixers (34-21) noong bahagi pa siya ng kampeon na Raptors (37-17) kung saan dinispatsa nila ito sa playoffs.
Sunod na haharapin ng Clippers ang Boston sa Biyernes bago ang All-Star break.
Ang 76ers naman ay host sa Brooklyn sa Feb. 21.