-- Advertisements --

Nasilat ng Philadelphia 76ers ang Brooklyn Nets, 110-102.

Nagkataon pa na ang pagkatalo ng Nets ang siya namang pagbabalik ng kanilang superstar na si Kevin Durant.

Inabot ng dalawang linggo na hindi nakalaro si Durant matapos na isailalim sa quarantine.

Sa kabila nito kumamada ng 33 points si Durant pero kinapos pa rin ito upang dalhin sana ang team sa panalo.

Habang si James Harden ay may panibago na namang triple double nang iposte ang 33 points, 14 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-anim na triple-double sa Brooklyn.

Gayunman nahirapang tapatan ng Nets ang big man ng 764rs na si Joel Embiid na nagtapos sa 34 points.