-- Advertisements --

Pinatawan ng NBA ang Philadelphia 76ers dahil sa mga maling impormasyon ukol sa lagay ng kalusugan ng kanilang star player na si Joel Embiid.

Matapos ang inilabas ng koponan na nagkaroon ng pamamaga sa kaniyang kaliwang tuhod si Embiid ay nagsagawa agad ang NBA ng imbestigasyon.

Lumabas na wala namang nalabag ang manlalaro subalit ang mayroong paglabag aniya ay sina Sixers head coach Nick Nurse at president of basketball operations Daryl Morey na hindi accurate ang kanilang pahayag.

Malinaw aniya na nilabag ng koponan ang kanilang Player Participation Policy kaya nagpasya ang NBA na patawanng $100,000 na multa ang koponan.

Ang 30-anyos na si Embiid ay nalimitahan sa 39 na laro noong nakaraang season dahil sa tinamo nitong injury.

Kasama niya ang bagong recruit na si Paul George na hindi rin makakapaglaro dahil sa injury din sa tuhod.