Pinayuko ng Philadelphia 76ers ang defending champion na Boston Celtics sa Christmas Day games ng NBA, 118 – 114.
Hindi na nakapalag ang Boston sa 4th quarter offense ng Sixers sa kabila pa ng impresibong performance nina Jayson Tatum at Jaylen Brown.
Pinangunahan ng bagitong guard na si Tyrese Maxey ang Sixers at nagbuhos ng 33 points sa loob ng 41 mins na kaniyang paglalaro. Naging maganda rin ang kabuuang play ni Maxey at kumamada ng 12 assists, kasama ang 4 rebounds.
Sa muling pagkababad kay Embiid sa hardcourt, gumawa siya ng 27 points at siyam na rebounds, habang 23 points din ang kontribusyon ng forward na si Caleb Martin.
Sa kabila ng impresibong performance ng dalawang star ng Boston, nagawa ng Sixers na pataubin ito kahit na walong player lamang ang naglaro sa court.
Samantala, tulad ng inaasahan ay muling nagpakitang-gilas si Celtics forward Jayson Tatum at gumawa ng 32 points at 15 rebounds. Solidong 23 points at pitong rebound naman ang ambag ng kaniyang partner na si Brown.
Ang dalawang star player ay kapwa ibinabad ng mahigit 42 mins sa court at tanging sila lamang ang pinaglaro ng mahigit 40 mins.
Sa pagtatapos ng 3rd kwarter, naitala ng dalawang koponan ang all-82 score.
Naging gitgitan ang kabuuan ng 4th quarter lalo na sa mga huling segundo ng laro. Isang minuto kaso bago matapos ang laro ay hawak ng Sixers ang 7-pt lead, 112 – 105.
Pinilit ng Celtics na habulin kung saan sunod-sunod na naipasok ni Tatum ang dalawang lay-up, 40 sec bago matapos ang laro. Hindi nakaganti ang Sixers sa dalawang shot, maliban lamang sa dalawang free throw na itinawag para kay Maxey na kaniya namang naipasok, 114 – 109.
Labing-apat na segundo bago matapos ang laro, naipasok muli ni Brown ang kaniyang driving layup, 114 -111.
Gayunpaman, iginawad naman ang dalawang free throw kay Sixers forward Paul George na kaniya ring naipasok, 6 secs bago matapos ang regulation.
Hindi na bumitaw ang Sixers sa hawak na lead at tinapos ang laro, tangan ang apat na puntos na kalamangan.