Hindi kinaya ng Chicago Bulls ang Philadelphia Sixers, 103-98.
Pinutol ng grupo ni Joel Embiid na may 18 points at nine rebounds at ni Seth Curry na nag-ambag ng 22 points ang pamamayagpag ng Bulls.
Nasayang tuloy ang ginawa ni DeMar DeRozan na may season high na 37 points at 10 rebounds habang si Zach LaVine ay may 27 puntos para sa Bulls.
Ang panalo ng 76ers na ikaapat na sunod na nila ay sa kabila na kulang din sila ng players.
Kung maalala liban kay Ben Simmons na walong games na rin na hindi pinalalaro, wala rin ang starters na sina Tobias Harris (health protocols) at si Danny Green (hamstring).
Sa ngayon ang Sixers at Chicago ay parehas na ang hawak na record na anim na panalo at dalawang talo pa lamang sa pagsisimula ng bagong NBA season.