-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan at patuloy na nagpapagaling si Philadelphia 76ers rookie Jared McCain.

Ito ay matapos na magtamo ng pulmonary contusioni dahil sa pagkabagsak nito sa laro nila kontra Brooklyn Nets.

Matapos ang pagbagsak ay bahagyang itinigil ang laro at dinala sa pagamutan ang 20-anyos na basketbolista.

Sinabi Sixers coach Nick Nurse na dinala si McCain sa pagamutan matapos ang hirap nitong paghinga.

Si McCain ay pang-16 overall pick ng 2024 NBA Draft kung saan sa paglalaro nito sa Duke ay mayroong average na 14.4 points at limang rebounds sa kada laro.