Umatras na si Philadelphia 76ers star Ben Simmons na makalaro pa sa Australian basketball national team sa FIBA World Cup na magaganap sa China.
Ito ang kinumpirma ng kanyang agent na si Rich Paul makaraang lumabas ang isyu sa ESPN.
Hindi pa man sumikat sa NBA ay naging bahagi na si Simmons ng national team bilang teenager pa lamang at nasungkit ang gold medal sa 2013 FIBA Oceania Championship.
Noong buwan ng Mayo ipinagmalaki pa ni Simmon sa kanyang social media account ang pagsasabing “looking forward to representing my county Australia in the upcoming @FIBA World Cup in China.”
Dahil sa pangyayari mas makapag-focus na lamang daw si Simmons sa buong offseason sa paghahanda sa pagsabak ng Sixers’ sa bagong NBA season.
Ang 22-anyos na NBA star ay umatras din noong 2016 Olympics kung saan mas tinutukan na lamang niya ang kanyang NBA rookie season.
Sa pagkakataon ito sa kabila ng kawalan ni Simmons sa Australian national team na binansagan ding Boomers, maglalaro pa rin ang ilan pang mga bigating NBA players sa team kabilang na sina Joe Ingles, Andrew Bogut, Patty Mills at Aron Baynes.