-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Philadelphia 76ers na hindi makakapaglaro sa preseason ng NBA si 2023 Most Valuable Player Joel Embiid.

Ayon sa koponan na ipapasuri muna nila sa doctor si para matignan kung makakapaglaro na ito.

Sa ilang laro sa noong nakaraang linggo ay hindi na nakasama si Embiid dahil sa patuloy ang iniindang sakit nito sa kaniyang kaliwang tuhod.

Ang 30-anyos na si Embiid na kasama ng Team USA na nagwagi ng gintong medalya noong Olympics ay pumirma ng $193 milyon na kontrata sa kaniyang training camp.

Naging limitado lamang sa 39 season ang nilaro ni Embiid dahil sa kaniyang injury sa tuhod.