-- Advertisements --

Pinalabas sa playing court si NBA star Joel Embiid matapos na sigawan ang babaeng referee.

Nangyari ang insidente sa laban ng Philadelphia 76ers at San Antonio Spurs kung saan nagwagi sila 116-111.

Natawagan ng offensive foul si Embiid at hindi naman nito tinanggap ang tawag ng ref.

Nilapitan niya ang referee na si Jenna Schroeder at kinuwestiyon ang tawag hanggang ito ay nagsisigaw.

Dahil dito ay agad siyang pinalayas sa playing court.