-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro sa natitirang araw ng NBA regular season si Philadelphia 76ers star Paul George.

Kasunod ito sa pagkakaroon niya ng injury sa groin at tuhod.

Ang 34-anyos na si George ay hindi natapos ang laro matapos na ma-injury noong Marso 4 sa laban ng koponan kontra Minnesota Timberwolves.

Sinabi ng koponan na pinayuhan sila ng kanilang doctor na kailangan ng mahabang pahinga si George.

Magugunitang noong nakaraang taon ng kunin ng Sixers si George sa apat na taon na kontrata na nagkakaroon $212 milyon.