-- Advertisements --

Hindi nakapalag ang Los Angeles Lakers sa kabila ng panibagong 31-point performance ng NBA superstar na si Lebron James.

Hindi nakaya ng Lakers ang 43 points na kinamada ng bagitong guard na si Tyrese Maxey, kasama ang 20 points at walong rebound na ambag ng dating Lakers player at ngayo’y Sixers forward na si kelly Oubre Jr.

Sa unang tatlong quarter, dominado ng Sixers ang buong laban lalo na at nagawa ng koponan na magpasok ng 48 points sa ikalawang quarter habang 32 lamang ang naiganti ng Lakers.

Nagpatuloy ang pagdomina ng Sixers sa 3rd quarter at sa pagtatapos nito ay tangan na ng koponan ang 23 points.

Wala nang nagawa ang Lakers sa huling quarter hanggang sa tinapos ng Sixers ang laban sa score na 118 – 104, tangan ang 14 points na kalamangan.

Ang panalo ng Sixers ay sa kabila ng 51.4 overall shooting percentage ng Lakers habang 47.3 lamang ang naisagot nito.

Naging susi kasi sa panalo ng Phila ang 43 shots na naipasok nito mula sa 91 na pinakawalan habang 37 lamang ang naipasok ng lakers mula sa 72 na pinakawalan.

Kapwa ginawaran ang dalawa ng mahigit 20 free throw calls at kapwa nakagawa ang mga ito ng mahigit dalawampung (20) libreng shots.

Hawak na ng lakers ang kartadang 26 -19 habang 18 – 27 naman ang win-loss record ng Sixers.