Hinihiling umano ni Pasig City mayor-elect Vico Sotto na sana ay hindi totoo ang protestang binabalak ng kampo ni outgoing Mayor Robert “Bobby” Eusebio.
Ito ay matapos basagin ng 29-anyos na dating Pasig City Councilor ang matagal nang pamumuno ng mga Eusebio sa lungsod ng Pasig.
Ayon kay Sotto, nasa kustodiya umano nila Eusebio ang ballots at ballot boxes kung kaya’t imposible na magkaroon ng access ang kampo ni Sotto dito. “I hope it’s not true. I hope mainit lang ulo niya when he said that. But if he does push through with it, siya naman ang mapapahiya hindi kami. It’s his right. He can do it if he wants,†ani Sotto.
Paniwala naman ni Sotto na oras na para mag-move on at bukas daw ito na makipagtulungan kay Eusebio upang maging maayos ang kanilang pagpapalit ng pwesto.
Una nang nagpahayag si Eusebio ng pagnanais nito na magsampa ng election fraud dahil hindi raw niya matanggap ang resulta ng katatapos lamang na halalan.
Nakakuha ng 209,370 votes si Sotto samantalang 121,556 votes naman ang nakuha ni Eusebio.