-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihanda na ang kasong isasampa laban sa isang Sanguniang Kabataan (SK) kagawad matapos itong mahuli sa isinagawang buy bust operation alas-12:30 ng kahapon sa P-1, Brgy. 5, Cabadbaran City sa lalawigan ng Agusan Del Norte.

Inaresto ng pulisya si Harley Kieth Ofamin, 21-anyos, binata, residente ng Purok 3 at SK kagawad ng Brgy. Rosario ng nasabing bayan.

Nakumpiska sa kanya ang pinaniniwalaang shabu na aabot sa 17-grams na may market value na P200,600.

Ginawa ang operasyon sa pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office (PRO) 13, sa pangunguna ni regional director Police at Cabadbaran City Police Station, sa isang malaking grocery store sa Cabadbaran City.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya kung saan galing ang nasabing droga, habang nasa kustodiya na rin ng Cabadbaran City Police Station ang suspek.