-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman at isang Barangay Kagawad matapos mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation sa Bukidnon at Misamis Oriental.

Kinilala ang mga suspek na sina Elfe John Ardon, 24, SK chairman sa Brgy. Mibantang, Quezon, Bukidnon; at Methosilo Galdo Gaston, 54, kagawad sa Brgy Poblacion 4, Balingasag, Misamis Oriental.

Nakuha sa posisyon ni Ardon ang tinatayang nagkakahalaga ng P32,000 at apat na sachet naman kay Gaston na pinaniniwalaang shabu.