-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang SK chairman na nahuli sa isinagasang drug buy bust operation ng mga pulis sa Brgy Daang, lungsod Gingoog City.
Sinabi ni Gingoog City chief of police Col. Ariel Phillip Pontillas, matagal na nilang mino-monitor si Brgy Daang Lungsod SK Chairman Renato Mejorada, 24, na residente sa nabanggit na barangay.
Ayon kay Pontillas, kabilang sa mga tokhang surrenderee si Mejorada sa kanilang lugar ngunit base umano sa kanilang intillenge report ay patuloy pa rin ito sa iligal sa gawain kung kaya’t isinagawa ang buy bust operation.
Nakuha sa posisyon ng SK chairman ang pakete ng pinaniniwalaang shabu, marked money at ang school ID nito.