-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Butuan City Police Station (BCPS) 3 upang makilala ang responsable at malaman ang motibo sa pagbaril-patay sa Sangguniang Kabataan o SK chairman ng Brgy. Lumbocan nitong lungsod pasado alas-9:45 kagabi.

Nakilala ang biktimang si Nelbert Gacosta, 27-anyos, binata at residente ng Purok 11 ng nasabing barangay.

Sa inisyal na pag-imbestiga ni PMajor Dores Aguhob, nalaman na may limang mga tama ng bala sa kanyang likod ang biktima na dinala pa sa Agusan del Norte Provincial Hospital ngunit pagsapit ng alas-10:07 kagabi ay idineklara itong kining patay ni Dr Anthony Francis Medillo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Lumbocan Kapitan Shirley Reyes na binaril ang biktima matapos ang pinangungunahan nitong larong basketball sa kanilang barangay kagabi sa highway ng Purok 7 ng kalapit na Brgy. Masao.